.

Aga Muhlach walang interest na pumasok sa politics

>> Thursday, December 25, 2008

Madalas nating makita si Aga Muhlach sa mga charitable events na tumutulong at nagpapasaya pero anya ay wala siyang balak pumasok sa politica. Nais lamang ni Aga na sana ay magbago na ang ating gobyerno upang maiahon ang mga tao sa kahirapan. Nag-e-enjoy si Aga na makita na ang mga tao ay masaya at nakakakain.

“I just hope and pray na magbago na talaga dapat ang sistema ng gobyerno natin. I mean it’s time dahil masyado ng open, masyado ng talamak ang nakawan. But I don’t want to point fingers dahil wala naman akong karapatan at hindi rin naman tayo sigurado kung ginagawa ba nila yun or hindi. But what I’d like to say is we hear all these billions or hundreds of millions na lumalabas sa mga budget-budget. Sa akin lang, it’s about time we share naman sa mga mahihirap pati na rin sa mga taong naghahanap-buhay. Gawin nating maayos itong bansa natin because bansa natin ito. Hindi rin naman ang mga opisyales ang may-ari ng bansang ito kundi tayo rin. Let's all work hand in hand to make this a better country because sayang talaga yung bansa natin, there's so much promise [in it]."[Showbuz ]

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...