.

Kris Aquino is on the right

>> Friday, January 15, 2010

It's fiesta in the political arena because Kris' latest incident is being used against Noynoy and that is just stupid. Kris did the right thing and many people are on her side in this issue. The fan-atic woman named Mayen was sending text messages after text messages to Kris' husband, James Yap. Kris did what every wife would do to protect her right and family. But to include Noynoy in the issue is just too shallow and nonsense.

Read PEP's full report:

May kumakalat na text message ngayon sa showbiz circles tungkol sa "panunugod" diumano ng TV host-actress na si Kris Aquino sa isang babae na sinasabing nauugnay sa kanyang mister, ang Purefoods basketball player na si James Yap.

Galing diumano sa isang nagngangalang Mayen Austria, o sa kampo nito, ang text message.

Narito ang kabuuang text message na nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga:

Published as is: "To everyone. Kris Aquino passed by house to make me sugod. She spoke to my mom. Very mad, berating us saying i always text and call james. That my mom didn't bring me up right. That we shouldn't be talking to married men. She said she's leaving james and to know that i am the last straw and the reason for their break-up. My family has great respect for Teopacos who are our family friend. Mrs. Teopaco is Cory's youngest sister. My mom raised us right. My mom didn't deserve all that. James missed called and texted na he warned me pupunta siya [Kris] sa house. He called me to apologize and say sorry. Kris said we had something going on. I don't deserve this. Most especially my mom. I have chemical depression and could have easily taken an overdose of pills because of the incident. With the hugs and love of my mom and sisters, and tranquilizers, i'm okay. Do you want Kris to be in malacanang."

BACKGROUND. Bago pa man lumabas sa media ang isyung ito ay nagkausap na sa telepono ang editor-in-chief ng YES! na si Jo-Ann Maglipon at ang prized talent ng ABS-CBN na si Kris Aquino, noong Miyerkules ng tanghali, January 13.

Sa pag-uusap na iyon, sinabi ni Kris ay ayaw niyang lumaki ang isyu, kaya't hindi niya ipinalalathala ang usapan nila ni Jo-Ann. Gusto lang daw niyang ipaalam sa magazine editor ang panig niya dahil nakaabot na sa kanya ang mapanirang text message na diumano'y galing kay Mayen Austria.

Idinagdag ni Kris na ang text message ay unang bumagsak sa telepono ng isa sa mga ate niya, na siyang nagpadala nito kay Kris. Ayon din sa TV host, wala siyang ideya kung kani-kanino na ito nakarating at kung sino sa media ang pinadalhan na ng gumawa ng original text.

"It reached my sister," sabi ni Kris sa telepono. "I imagine it could've been sent to more people, including the media."

Kung siya lang daw, hindi na ito dapat lumabas pa. "You won't see me putting this out on SNN. I'm not the one to start, and make this an issue. It's a domestic thing. But I can't control what others will do with this. I don't know if other editors and reporters have already been sent this text." Ang SNN, Showbiz News Ngayon, ay ang Monday-to-Friday evening program ni Kris at Boy Abunda sa ABS-CBN, kung saan ang mga kaganapan sa local showbiz ay mabilis na naibo-broadcast.

Ang idinaramdam daw ni Kris ay ginagawang "political issue" ang isang bagay na para sa kanya ay isang "domestic issue."

Hindi maikakaila na sa kampanya para sa pagka-presidente ng Pilipinas ng kanyang kapatid na si Benigno Aquino III—o mas kilalang Noynoy—sa eleksyon sa Mayo, kakabit ang pangalan ni Kris. Sinabi na sa telebisyon ni Kris na all-out siya sa pagtulong sa kampanya ni Noynoy. Kasama na rito ang pagbebenta niya ng bahay nila ni James sa Valle Verde upang mapondohan pa ang national campaign ng kapatid. Tulong-tulong daw silang magkakapatid, lalo na ngayong yumao na ang ina nila, ang dating Presidente Corazon Aquino.

Kaya't kung sakali raw at makarating sa PEP ang text message na tinitira siya, pinahihintulutan niya ang PEP na ilabas na ang kanyang pakikipag-usap kay Jo-Ann.

Hindi nga inilabas ng PEP ang usapan nina Kris at Jo-Ann hanggang sa araw na ito, Biyernes, January 15—nang lumabas na ang isyu sa ibang media outlets, at matapos kuhanan ng pahayag ang kampo ni Mayen Austria.

KRIS'S STORY. Totoo raw na pinuntahan ni Kris si Mayen Austria sa bahay ng huli sa Valle Verde 2 sa Pasig City nung January 13, bandang 4:00 p.m. Ayon mismo sa TV host-actress, "two streets away" lang ang layo ng bahay nila ni James dito, at sinadya talaga niyang kausapin si Mayen.

Pero taliwas daw sa isinaad sa text message, hindi "inaway" o "ininsulto" ni Kris si Mayen at ang ina nito. Sa paglalahad ni Kris ng naging exchange nila, ito raw ay naging "frank" but "polite," "honest" but "civil."

Nabanggit ni Kris na kilala niya si Mayen dahil pareho silang galing sa Poveda Learning Center, isang exclusive high school for girls. Fan din daw si Mayen ng kinabibilangang koponan ni James sa Philippine Basketball Association, ang Purefoods, kaya't nagkikita sila sa mga games.

Inilahad ni Kris kay Jo-Ann ang pagkakatanda niya sa mga pangyayari noong Miyerkules ng hapon.

Kuwento ni Kris, kumakain daw sila ni James ng late lunch bandang alas-dos o alas-dos y medya ng hapon, January 13, sa Valle Verde home nila, nang mag-ring ang cell phone ni James. Sinagot daw ng kanyang asawa ang tawag sa harap niya, kaya dinig na dinig ni Kris ang nasa kabilang linya.

Babae raw ang boses. At may sinasabi raw na, "James, what's wrong with me? Ginawa ko na ang lahat, pero wala pa rin..." Tapos ay umiiyak na raw ito. Sumagot daw si James ng, "Kung ayaw sa iyo, huwag mo nang ipilit pa..."

Nagtaka at naguluhan daw si Kris sa narinig. Nang ibaba ni James ang linya, tinanong ni Kris kung tungkol saan ang tawag na yun. Dito na nalaman ni Kris na ang kausap ni James ay si Mayen Austria, na ayon sa cager ay nagko-confide sa kanya dahil iniwanan daw ito ng kanyang boyfriend.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...