.

Ruffa Gutierrez accepts Kris Aquino's apology

>> Tuesday, March 9, 2010

All is well that ends well. Kris apologized, Ruffa accepted. Erwin Santiago/PEP reports:

Matatandaang pagkatapos ng napaulat na pagwu-walkout ni Ruffa sa The Buzz noong Linggo, March 7, ay agad na humingi ng paumanhin si Kris sa kanya at sa pamilya nito. Ito ay kaugnay ng pagpaparinig diumano ni Kris sa kanya sa "P.O.V." segment ng The Buzz noong araw na yun. (CLICK HERE to read related story.)

Unang humingi ng paumanhin si Kris kay Ruffa through online, sa pamamagitan ng text message na ipinadala niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nailathala ng madaling-araw ng March 8. (CLICK HERE to read related story.) Pangalawa, sa pamamagitan ng pagpapa-interview sa TV kahapon. At pangatlo, sa pamamagitan ng print na lumabas ngayong araw, March 9.


Sa panayam ng GMA News kay Kris kahapon, March 8, sinabi niyang pinanood niyang muli ang video ng episode ng The Buzz noong Linggo kung saan nagsimula ang isyu sa kanila ni Ruffa.

"I wanted to make sure na nung pinanood ko sarili ko, ako mismo, as a viewer, mapi-feel ko na affectionate naman yung teasing. Nung sinabi ko na, 'Aminin mo, iba talaga ang level ng saya dito,' parang ang ibig kong sabihin do'n is mami-miss mo rin kami talaga,'" paglilinaw niya.

Ayon kay Kris, pinanood din daw ng mga kapatid niya ang tape ng naturang episode The Buzz at isang importanteng bagay raw ang ipinunto ng mga ito sa kanya.

"Ang sinabi ni Ate [Ballsy], 'Siguro Krissy dapat i-consider mo rin what it's like to be saying goodbye. And siguro on our family's end, kung tayo naka-cause ng pain para sa kanila, or nabigyan sila ng stress dahil sa hindi mo naman sinasadyang nagawa, take it upon yourself and do this for Mom,' sabi ng ate pa," kuwento ng bunsong anak nina former President Cory Aquino at former Senator Ninoy Aquino.

Ipinarating din ni Kris ang kanyang kagustuhan na magkaayos na sila ni Ruffa at ng pamilya nito.

"Kung ako po, bilang miyembro ng pamilya Aquino, nakasakit sa damdamin nila, ng mga Gutierrez, pinapaabot ko po, on behalf of my family, wala po talaga kaming masamang intensiyon and bukas na bukas po sa kalooban ko na sana maging magkaibigan pa kami ni Ruffa, most especially," pahayag niya.

Naiintindihan din daw ni Kris kung bakit nakapagbitiw ng masasakit na salita ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama laban sa kanya at maging sa kapatid niyang si Noynoy Aquino. Sa panayam kasi ni Annabelle sa Showbiz Central noong Linggo rin ay nanawagan ito na huwag iboto si Noynoy bilang presidente dahil hindi pa man daw ito nananalo ay "mayabang" na si Kris.

Pero ayon kay Kris, "Kung anuman po ang nasabi ni Tita Annabelle laban kay Noy, that's why we live in a democracy." Sa text message na ipinadala niya sa PEP ay sinabi rin niyang hindi siya mayabang kaya nagpapakumbaba siya.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Kris para kay Ruffa.

Aniya, "Ruffa, sasabihin ko lang sa 'yo, gusto kong humingi ng pasensiya sa 'yo kung sa panahon na kailangan mo sanang mas maging maunawain ako at maging mas tahimik, hindi ko nagawa 'yon para sa 'yo. Pero buong-buo, galing sa puso ko, na hinahangad ko all your success in this world."

RUFFA SPEAKS UP. Kaninang hapon, March 9, ay nagpaunlak naman na ng interview si Ruffa sa TV crew ng ABS-CBN at GMA-7. Dito ay malugod na tinanggap ni Ruffa ang apology ni Kris.

"I do appreciate and accept Kris's apology," nakangiting sabi ni Ruffa sa panayam sa kanya ng TV Patrol World.

Aniya pa, "Ako naman, you know, I'm a very fun-loving individual at  kaibigan ko rin naman si Kris, and I have the highest respect for her. I know that we love each other, and I know that we've been friends for a long, long time."

Nakausap ng media si Ruffa kaninang hapon, March 9, sa first taping day niya bilang judge ng Talentadong Pinoy sa Skydome sa SM North Edsa. Ang Talentadong Pinoy ay isa sa mga programang gagawin ni Ruffa sa exclusive contract na pinirmahan niya sa TV5.

Inamin din ni Ruffa na nasaktan siya sa mga "parinig" sa kanya ni Kris sa "P.O.V." segment ng The Buzz noong Linggo na naging dahilan ng kanyang pag-iyak.

"Medyo nasaktan lang ako no'n kasi dun sa mga parinig niya na, 'O, you know, mahal na mahal ako ng mga taga-Laoag, 70 percent ng mga tao nakikita ako dito...' Parang pinapalabas niya na walang manonood sa akin sa TV5," saad ni Ruffa, na nakatakdang lumipat sa TV5 bago matapos ang buwang ito.

Pero nilinaw ng TV-host actress na hindi siya nag-walkout gaya ng mga lumabas na report.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...