.

An American police officer falls for Pokwang

>> Friday, April 23, 2010


An American police officer is falling for our comedian Pokwang and his name is Ryan Navarro. Everyone is wondering what made the guy attracted to her. Was it her beauty, her wit, her sense of humor, or perhaps Pokwang's sex appeal? Whatever it is, we'll have to find out.

Feeling ni comedienne Pokwang, ang haba-haba ng buhok niya! Kasi  may isang foreigner na nagkagusto sa kanya nang mag-show siya sa U.S. kamakailan, kasama ang ilang co-talents niya sa ABS-CBN Star Magic. Siya ang police officer na si Ryan Navarro.

"Sa show namin sa Dallas, dun kami nagkakilala nang bonggang-bongga after ng show. Nanood siya ng show nung time na naka-duty siya. Natuwa siya siguro sa pinag-aarte ko sa stage, although hindi naman niya naiintindihan. And then after that, may inutusan siya, yung isa sa mga producers namin, nakisuyo siya para manghingi ng autograph sa akin. Tapos binigay niya yung number niya," kuwento ni Pokwang sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa isang tsikahan last Wednesday, April 21.

After daw nilang magkakilala ay nakipag-date na si Pokwang kay Ryan kinabukasan.

"May free day kami kasi uuwi na kami the next day. Lumabas kami, may dalawang kasama ako from Star Magic. So yun, nag-bonding kami," aniya.

May communication pa rin ba sila ni Ryan?

"Tinatawagan niya ako, tapos nagti-text siya," tila kinikilig pang sabi ng komedyana.

Ano ang mga sinasabi ni Ryan sa kanya?

"Hindi ko maintindihan kasi English, e!" tawa ni Pokwang

Nagpaparamdam na ba si Ryan sa kanya?

"Ay, naku, ini-enjoy ko lang yung mga moment na ganito, yung kinikilig lang. Pero hindi mo alam kung ano talaga yung kalalabasan, di ba?"

May plano ba naman si Ryan na dalawin siya sa Pilipinas?

"Oo. Hinihintay niya lang yung schedule ko. Ayaw niyang sumabay sa trabaho ko. Gusto niya kung kelan ako maluwag, dun siya pupunta rito," sabi ni Pokwang.

Kahit paano ay may nalalaman naman daw si Ryan tungkol sa Pilipinas dahil nagbabasa siya tungkol dito.

"Gusto niyang pumunta sa Corregidor [historical site sa Bataan]," banggit ni Pokwang.

So, sasamahan niya sa Corregidor si Ryan?

"Tingnan natin. Kung wala naman tayong gagawin o ano, why not, di ba?"

So talagang maglalaan siya ng oras para kay Ryan?

"Ay, aarte pa?" tawa  na naman ni Pokwang

POKWANG'S DAUGHTER. May anak na teenager na babae si Pokwang. Ano ang reaksiyon ng anak niya nang malaman nitong may admirer na naman siyang isang foreigner after ng isang Canadian?

"Ay, dumi-dedma siya nang bonggang-bongga. Siyempre, hindi siya natutuwa. Alam mo naman, teenager na, di ba, kaya umaarte nang bonggang-bongga?" [Source: PEP]

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...