.

Angel Locsin prefers men

>> Wednesday, April 28, 2010

Star Pinay Angel

Siguro, sa ganda ni Angel, kahit pa totoong tomboy siya, eh pag-aagawan pa rin siya ng mga lalaki.
Naaliw si Angel Locsin sa panunukso namin na tomboy na tomboy ang dating niya, dahil na rin sa pagkahilig niya sa mga pambarakong sasakyan. At ngayon nga, sasakyan pa rin ang motif ng kanyang bar na Fuel Up.

Tukso nga namin kay Angel, lumabas ang pagiging tomboy niya sa mga hilig niya.

Anyway, inamin ni Angel na gusto niyang matsismis na tomboy siya. Bago raw kasi `yon sa pandinig niya, na hindi nga tulad ng mga tsismis sa kanya sa iba’t ibang lalaki, na paulit-ulilt na lang.

Pero, ipinagdiinan ni Angel na hindi siya tomboy. Mahilig lang daw siya talaga sa mga sasakyan.

Aminado rin siyang may mga hinahangaan siyang magagandang aktres, pero never daw siyang nagkagusto sa kanila. At ang pagkakaroon niya ng mga boyfriends ay pagpapatunay lang daw na tunay siyang babae.

Sey pa ng aktres, huwag daw sanang masasaktan ang mga lesbians, pero ang type raw talaga niya ay mga lalake at hindi mga tomboy.

[Rey Pumaloy/Abante]

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...