.

Please Gloria

>> Friday, April 16, 2010

The Bible says: those who live in the dark will never see the light. I believe na ang isang taong binabalutan ng kasuwapangan will never see the light. They go to church announced with photos published so people will see them as good and holy. But there really is what's called karma and this is what will put them in a place that’s right for them and their matching evil deeds... eventually...someday. It usually comes as a surprise and can be unbearable, and it will teach them to be humble. I say these things because of what I’ve read today on the internet about Gloria Arroyo, our supposed to be exiting presidente. Yes, her end is very near and can’t hardly wait too. But, and it’s a big but, but, but, what they’re saying is that she continue to travel and spends like crazy. I’m just saying what they have been saying, and if at all true, then I join everybody in saying, "please Gloria, stop! please leave!" Maawa ka naman sa mga kababayan natin.

Pakiusap kay Gloria: Magtira ka naman ng pera!
(Dindo Matining/Rose Miranda, Abante Online, April 17, 2010)
Dapat tumigil na umano sa kababiyahe sa ibang bansa si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para may matira naman aniya sa kaban ng bayan sa pagtatapos ng kanyang termino sa Hunyo.

Ayon kay Gabriela partylist Rep. Liza Maza, dapat ipaubaya na ni Pa¬ngulong Arroyo sa susunod na administrasyon ang relasyong panlabas para makatipid naman aniya ang gobyerno sa gastusin.

“Ilang buwan na lang naman ang kanyang terms, mas mabuti siguro kung ipaubaya na niya sa next administration para naman makatipid sa gastos ang bansa,” ani Maza, guest senatorial candidate ng Nacionalista Party (NP).

Sinabi naman ni Anak¬pawis partylist Rep. Joel Maglunsod, sa halip na bumiyahe sa ibang bansa, mas makabubuting ipamahagi na lamang ang perang gagastusin nila sa mga magsasakang nalugi dahil sa pananalasa ng El Niño.

Kung magpapatuloy aniya ang paggastos sa pera ng bayan ng adminis¬trasyon, baka wala aniyang itong mai-turn-over na pondo sa susunod na pangu¬lo ng bansa.

“Baka ni singkong duling wala maiwan si Pangulong Arroyo sa papalit sa kanyang puwesto. Kaya hinay-hinay naman sa paggastos. Stop na sila biyahe,” saad pa nito.

Sa pagbabalik ni Arroyo sa bansa kahapon matapos ang isang linggong foreign trip sa Washington at Spain ay sinalubong ito ng intriga hinggil sa umano’y magarbong hotel stay partikular sa Espanya.

Habang nasa Spain, si Arroyo at ang 49-miyembro ng delegasyon nito ay tumuloy sa first-class hotel na Ritz Hotel sa Madrid kung saan ayon sa website ng hotel, ang room charges nito ay may minimum na 235 euros o P14,241 para sa isang gabi para sa mga business client nito, minimum na 230 euros o P13,938 sa kanilang cassic room, at 310 euros o P18,876 sa de luxe room.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...