.

Vilma Santos and Christopher de Leon reunites but not in film

>> Thursday, April 29, 2010

Mainit ang pagtanggap ng mga taga-Tingloy Is., Batangas kahapon, April 26 sa mga kandidato ng Liberal Party na pinamumunuan ni Governor Vilma Santos-Recto. Napuno ng tao ang covered court ng munisipyo kung saan ginanap ang proclamation rally. Kasama ni Gov. Vi sa pangangampanya sa nasabing isla ay sina Vice Governor Mark Leviste at ang actor na si Christopher "Boyet" de Leon, na tumatakbo sa posisyon na Board Member.

Sa bandang dulo ng programa, hindi rin naiwasan ni Boyet na pagbigyan ang request ng mga tao na kumanta siya. Hindi naman binigo ni Boyet ang hiling at pinaunlakan pa niya ng dalawang kanta. Ang isa ay "Sinasamba Kita," ang theme song ng pelikula ni Vilma kasama si Lorna Tolentino. Ang ikalawa naman ay ang masayang kantang "Sway". Sandaling napaindak pa sa pag-Cha-Cha si Gov Vi nang kunin ni Boyet ang kamay nito para sabayan ang kanta.

Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) si Boyet pagkatapos ng proclamation rally. Sa ikalawang distrito ng Batangas tumatakbo si Boyet. Sa Lobo, Batangas siya may roots at naninirahan naman sa Mabini.

"So far, so good. Six towns and one city," Boyet excitedly told PEP. "Ito (Tingloy) yung pinakahuling town na binisita ko. I took the opportunity to visit this town with Governor Vilma. I will be staying here until tomorrow.

Ang munisipalidad ng Tingloy ay nararating sa pamamagitan ng bangka. Halos isang oras ang ibinabiyahe para makarating sa naturang munisipyo magmula sa Mabini, Batangas.

"I have been going around the different barangays of San Luis, San Pascual, Bauan, Mabini, and especially Lobo. I also have the most important area, yung Batangas City. These are all coastal towns. Plus there are islands here like Balahibong Manok, Verde Islands, Bunete, Sombrero Island and this one, Tingloy," Boyet said.

Kuwento pa ni Boyet, suportado siya ng kanyang pamilya sa kanyang pangangampanya.

"Yesterday (April 25), the whole family was here. Lotlot was here. Ian was here. My wife [Sandy Andolong]. My sister Melissa. Nag-motorcade kami along the main thoroughfare ng Mabini at Bauan. We're going to have another one in San Pascual to Batangas City. They're all supportive and they had fun. Nakita mo naman ang reception ng tao. People love us here. Napapagod ka pero when you see all the smiling faces that people love you, na-li-lift yung spirit mo," Boyet said.

Nasabi ni Governor Vilma sa proclamation rally na kung sakaling manalo si Boyet, ibibigay niya ang tourism and environment committee ng Batangas.

Boyet accepted the challenge, "I am so happy, and if given the opportunity, it's going to be fun and, at the same time, hard. Ang priority ko talaga is yung environment. Halos lahat ng campaign sorties lahat sa tabing dagat and I enjoyed it so much."
Sabi naman ni Boyet na masaya siya kasama si Governor Vilma Santos sa iisang partido. Noong 2007 elections, lumaban si Boyet sa pagka-vice governor under Partido ng Masang Pilipino ng dating Pangulong Joseph Estrada.

"Yung pagkakataon na nasa LP ngayon si Governor, siguro naman mas maluwag na sa damdamin ko na sumama talaga. And if ever given the opportunity, maiba naman ang lahat at gusto ko din ng pagbabago. We need a different scene and perspective," pagtatapos ni Boyet.

By Paul Mata/Philippine Entertainment Portal

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...