.

Miriam Santiago telling Kris Aquino to stay away from politics is stupid

>> Sunday, May 16, 2010

Sino ba si Miriam Defensor-Santiago para payuhan si Kris Aquino na lumayo sa politika or huwag tumanggap ng position sa gobyerno. Ni hindi naman niya sinabi kung bakit ayaw niya. Takot ba siya kay Kris? Nakalimutan na ba ni Miriam na ang magkakapatid na Aquino ay puedeng-puedeng pagkatiwalaan ni Noynoy sa maraming maseselang bagay lalo pa at napapaligiran siya ng mga oportunista at kurap sa gobyerno. Hindi naman agad agad mawawala yan. Tatrabahuhin pa yan ni Noynoy. Eh sa laki ng problema at gulong iiwan ni Gloria kay Noynoy, kailangang-kailangan ni Noynoy ang tulong ng mga kapatid niya. Lalong-lalo na si Kris na fearless at malapit rin sa puso ng masa. Matalino si Kris at ang lahat ng kanyang mga kapatid kaya walang dapat ipangamba kung tumulong man sila kay Noynoy. Sa halip na pagbawalan, dapat i-encourage pa nga ni Miriam si Kris pero yan ay kung ang hangad ni Miriam ay ang tagumpay ni Noynoy. Hindi ba ang tagumpay ni Noynoy ay magiging tagumpay ng ating bansa. Dahil hindi naman ipinaliwanag ni Miriam ang dahilan ng pagpigil niya kay Kris, baka naman hindi niya type na maging successful si Noynoy. A oo nga pala. Sila nga pala ni Gloria ang mag BFF sa politika. Hindi ba nga lagin niyang pinagtatanggol si Gloria. O di bah?

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...