.

Ogie Alcasid and Regine Velasquez officially to marry this year

>> Saturday, August 7, 2010

It's no longer a secret, Ogie is marrying Regine in December of this year. They deserve each other and deserved to be happy together for the rest of their lives. As usual, Sharon Cuneta is one of the ninangs.

From PEP :

Na-preempt ng Megastar na si Sharon Cuneta ang gagawing "announcement" ni Ogie Alcasid bukas, August 8, sa GMA-7 musical-variety show na Party Pilipinas.

Kaninang gabi, August 7, ay ibinisto ng Megastar sa kanyang Megadrama concert sa Araneta Coliseum na magpapakasal na si Ogie at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Sinabi pa ni Sharon na "ninang" siya at hindi bridesmaid sa kasal ng dalawa sa pinakamalapit na kaibigan niya sa showbiz.

Unang lumabas sa PEP Alerts ang gagawing announcement ni Ogie sa Party Pilipinas. Sabi ng singer-songwriter sa kanyang text message sa YES! editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon noong August 5, Thursday, ang announcement niya "is going to be a happy one."

Bagamat hindi sinabi ni Ogie kung tungkol saan eksakto ang kanyang announcement, marami ang naniniwala na ito na ang pinakahihintay na kasalan nila ni Regine.

THE MOMENT HAS ARRIVED. Pitong taon nang magkasintahan sina Ogie at Regine at matagal nilang hinintay na makasal sila sa wakas. Matagal din kasi ang naging paghihintay nila na payagan ng korte na mapawalang-bisa ang kasal dito sa Pilipinas ni Ogie at ng kanyang dating asawa na si Michelle Van Eimeren, ang naging representative ng Australia sa Miss Universe pageant na ginanap sa bansa noong 1994.

Ito ay sa kabila ng nauna nang nag-asawang muli si Michelle. Ikinasal si Michelle sa Australian na si Mark Murrow noong November 21, 2009. Si Ogie ang nagsilbing reception host at si Regine naman ang naging wedding singer sa kasal na ginanap sa Australia. (CLICK HERE to read related story.)

At ngayon nga ay wala nang hadlang sa pagpapakasal nina Ogie at Regine dahil, obviously, ay bumaba na ang desisyon ng korte tungkol sa annulment case nina Ogie at Michelle.

A PREVIEW. Ilang linggo bago ang "pambubuko" ni Sharon sa magaganap na kasalan nina Ogie at Regine ay malakas na ang bulung-bulungan na ikakasal na nga ang dalawang singers bago matapos ang taong kasalukuyan. Bukod dito ay may petsa na rin daw ang kasal nila—sa December 22, 2010.

Pero sa panayam nina Ogie at Regine sa Showbiz Central noong July 25 ay sinabi nilang hindi pa sigurado ang mga lumalabas na balita noon tungkol sa kanilang kasal at sa petsa nito. Basta ang tiniyak lang ni Ogie ay "I really want to marry this woman," na ang tinutukoy siyempre ay ang Asia's Songbird. (CLICK HERE to read related story.)

Nangako pa nga si Ogie kay Regine na: "I will make you the happiest woman on earth."

Ang sagot naman ni Regine dito ay ito: "Parang sa buong buhay ko naman, wala naman akong ibang gustong mangyari kundi pakasalan ni Ogie Alcasid!"

Abangan ang "formal announcement" ni Ogie ng kanilang pag-iisang dibdib ni Regine sa Party Pilipinas bukas.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...