.

Boy Abunda's interview with Baron Geisler disappointing

>> Monday, January 24, 2011

If Cherry Pie Picache felt violated, it's because she was violated and Baron Geisler should show some genuine respect and sincere apology. I saw the interview last Sunday at The Buzz and for a moment I thought I was watching a drama starring Baron Geisler. Indeed, it's another great performance of Barion but I wasn't buying it. For the most part, all he did was lie and deny. He made Cherry Pie and all the other women he offended a liar. But the part that I was not agreeing at all was how Boy Abunda seemed to be helping Baron justify his wrong acts. Ed Instrella, the manager of actress Cherry Pie Picache, was offended by the interview especially the part where in Boy Abunda kept emphasizing how good of an actor Geisler is as if what he did is ok in the name of good acting. I also would like to comment that in this incident, you don't expect the girl to make commotions because usually, the delay in reaction is caused by having feelings of shock and disbelief. There are some women who would instantly react but not always.

Ed Instrella's reaction as reported by PEP:

Kahapon, January 23, ipinalabas sa The Buzz ang kontrobersiyal na issue na patuloy na tinatalakay sa showbiz ngayon. Ito ay hinggil sa naging sigalot sa pagitan nina Cherry Pie Picache at Baron Geisler.

Nabanggit na ang lahat tungkol sa nangyari sa set ng Noah ng ABS-CBN at ang kasunod na reklamo ng aktres sa pamamagitan ng kanyang manager na si Ed Instrella, na sinuportahan ng Professional Artists Management, Inc. (PAMI).

Mabilis na inaksiyunan ng samahan ng mga tagapamahala ng mga artistang lokal ang naging kaso ng pambabastos umano ni Baron, bunga ng magkakasunod ding reklamo ng mga kababaihang artista o anak ng artista simula kina Patrizha Martinez (anak nina William Martinez at Yayo Aguila) noong 2008; hanggang sa naging kaso last year, ayon sa sumbong nina Yasmien Kurdi (na naihain sa korte sa Bulacan) at Julia Clarete; at ang pinakahuli, nitong January 17, ni Cherry Pie Picache.


Bugbog sa negatibong publisidad si Baron sanhi ng kasong acts of lasciviousness and unjust vexation na isinampa nina Patrizha at Yasmien, at reklamong nabanggit nina Julia at Cherry Pie, na hindi kinukunsinti ng PAMI.

THE BUZZ INTERVIEW. Mahaba ang naging interview-feature ng The Buzz na pinamahalaan ni Boy Abunda, at inilathala ngayong hapon, January 24, ng PEP (Philippine Entertainment Portal). (CLICK HERE to read related story.)


In contrast, ang interview-feature na isinagawa sa katapat na talk show sa TV5, ang Paparazzi, ay may pag-a-analyze sa naging sitwasyon ni Baron mula sa point of view ng isang psychologist.

Sa Paparazzi ay tinumbok ang lumilitaw na "personality disorder" ni Baron, na naging alcoholic sanhi ng maraming disappointments sa personal buhay at propesyon.

Masuwerte ang The Buzz dahil personal o live na nag-guest sa show ang kontrobersiyal na aktor. Muli, isinatinig ni Baron ang kanyang paghingi ng public apology sa pinakahuling insidente ng "pag-violate" umano niya sa isang babaeng tulad ni Cherry Pie.


Pero sa statements ni Baron ay naroon din ang mga pangangatuwiran, na napanood at napakinggan ng mga nanood na sympathizers ni Cherry Pie. Unang nag-react uli rito ang manager ng aktres na si Ed Instrella.

PEP asked Ed, through text messages, kung sa palagay niya'y may bago pang nasabi si Baron sa The Buzz kumpara sa pagpapa-interview nito sa Headstart ng ANC at sa naunang press conference.

"Medyo mas matindi [ang sa The Buzz]," sabi ni Ed. "Parang dangerous [si Baron] at medyo nabastusan na naman ako. Although, malinaw na lumitaw ang problema niya.


"To most callers, parang si Baron ang aggrieved party. At parang pat on the back pa in spite of what he's done."

PEEVED. Hindi itinago ni Ed ang pansariling damdamin hinggil sa host ng The Buzz at sa kabuuang pang-Linggong programa ng Dos dahil sa naging takbo ng interview-feature.

"Parang, if Boy would like to console with Baron... huwag sa show," ani Ed. "Kasi the public will get the notion na okey naman pala si Baron and let all his misdeeds be forgotten. And then, push Pie for an interview?"


Why not have Cherry Pie answer some of Baron's statements, na medyo offensive ang dating sa aktres?

"Hey, what for? The ratings?" sagot ng manager ng aktres.

Obvious na na-offend si Instrella para kay Cherry Pie at mga kapanalig nito sa mga tinuran ni Baron sa The Buzz interview.

"Nag-sorry siya, pero wala daw siyang malice, naka-gloves daw siya, he's just acting, doing his job," pagbanggit ni Ed sa statements ni Baron sa show.


"And Boy emphasized and underlined he's such a good actor. Parang justified maging bastos in the name of good acting!

"It may not be what Boy wanted, pero yun ang dating."
Gayunman, sa naging damdamin matapos mapanood ang interview kay Baron, buo pa rin ang desisyon nina Ed at ng alagang si Cherry Pie na hindi na magpa-interview sa media matapos mapatawan ng desisyon ng PAMI ang kasong idinulog nila laban kay Geisler. (CLICK HERE to read related story.)

"Huwag na. Okey na. Na-achieve na ang gusto ni Pie na mangyari: censure at rehab," sabi ni Ed.

"Medyo nagulat lang ako sa approach. Ending pa nila, embrace.

"Enough has been said. Pie's priority is still her son.

"Nakakaawa sina Yasmien and company. Nakakalimutan na ang sinapit nila. They are more aggrieved," pangwakas na mensahe ng talent manager.

Dahil sa set ng primetime show ng ABS-CBN na Noah ang insidente kina Baron at Cherry Pie, nagdesisyon agad ang pamunuan ng Kapamilya network na tanggalin sa show ang aktor.

Tinawagan ng PEP ngayong gabi ang business unit head ng The Buzz na si Roxy Liquigan at ang Backroom Inc. ni Boy Abunda upang kunin ang kanilang panig sa naging pahayag ng manager ni Cherry Pie.

Nanagako silang magbibigay ng pahayag kung kinakailangan.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...