.

Angelica Panganiban in trouble again?

>> Thursday, March 3, 2011

It all started from Angelica's twits...


... that hurt a Phil Younghusband fan, and then the war of words began.

PEP reports:

May nakaalitan ang isang young actress sa isang social networking site na Twitter. Ang sanhi: Phil Younghusband, ang striker ng Philippine football team na Azkals.

Ngayong araw, March 3, naganap ang sagutan ni Angelica Panganiban (@IamAngelicaP) at ng isang "Baby Morales" sa micro-blogging at social networking site.

Nag-react si Angelica sa napapabalitang indie film, kung saan lalabas umano si Phil.

Ayon kay Angelica, "si phil may indie film... Akala ko ba football player sya??? :( lahat na lang artista na :( sad..."

Dagdag pa ni Angelica, sana raw ay mag-concentrate na lang si Phil sa football para tuloy-tuloy ang panalo nito.

"Sila rooney ba gumagawa ng movie? I dont think so :) mukhang busy lang sila kkpractice para laging manalo :)" saad niya.

Si Wayne Rooney ay isang sikat na football player mula sa England.

Ito pa ang ilang tweets ni Angelica tungkol sa isyu (in no particular order):

"masama. Sana lang mag focus muna silang lahat sa football. Para sa pinas kasi yun. #justsayin' after na lang ng tourny mag artista."


"Ang kitid ng utak ng iba. D ko sinasabing ang gusto ko eh ako lang ang artista. Kung gusto pala nya mag artista, sana d na sya nag football."

"Sana sa pbb sya sumali :) d sa azkals. Baka mapuyat sya sa shooting d sya makalaro ng maayos. Gets nyo ba ko? O buong araw natin to issue?"

"Magaling mag football si phil. Stick to that muna :) kakasimula pa lang natin sa football. Baka mas magenjoy sya sa acting. Sayang."

"Ayan. Ok na ha? Concerned citizen lang po ako. Theres no need to promote FB everynight na sila nasa news. Magandang promotion na yun."

Paglilinaw ni Angelica, hindi naman sa ayaw kay Phil. Ayaw niya lang daw na paghaluin nito ang paglalaro ng football at ang showbiz.

"Ok lang naman. Sana lang wag pabayaan ang paglaro :) para d mapahiya :) like pacman," saad niya sa isa pang tweet.


Matatandaang naging personalidad din sa showbiz si Phil bago pa siya  nasali sa Azkals. Sumali siya sa Celebrity Duets ng GMA-7 noong 2008, at nag-guest sa iba't ibang programa sa telebisyon. Naging endorser na rin ito ng iba't ibang produkto.

"FAN" REACTS. Dahil sa mga tweet ni Angelica ay may mga nag-react na tweeters, at sinasagot naman ito ni Angelica nang maayos. Kahit ang ilang below-the-belt na hirit ng isang nagpakilalang "Baby Morales" ay sinasagot din ni Angelica nang mahinahon.

Gayunpaman, lumala ang palitan nila ng salita. Ilan sa mga ibinato ni "Baby Morales" kay Angelica ay mga salitang "dumb," "stupid," at "bitch."

Sinabi rin nito na dapat hindi nagsasalita laban kay Phil si Angelica dahil wala pa itong nagawang "ikakaproud ng mga pilipino."

Dinamay rin nito ang boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay sa pagsasabing "trying hard" itong magpaka-athlete.

Si Derek ay professional na frisbee player, na nakapag-uwi na rin ng ilang award mula sa ilang kumpetisyon sa ibang bansa.

Binanggit na rin ng fan ang isyung pinaampon lamang si Angelica dahil iniwan siya ng kanyang ama noong maliit pa lamang siya. (CLICK HERE to read related story.)

Sa ngayon ay lampas 70 na ang tweets ni "Baby Morales" laban kay Angelica.

Bukod sa kanyang pangalan, larawan, at account—wala nang ibang detalyeng makikita sa profile ng kaalitan ni Angelica. Pero kung babasahin ang mga previous posts nito, makikita ang mga mensahe ni "Baby Morales" sa Twitter account ni Phil (@PhilYHusband) at ang Azkals' goal-keeper na si Neil Etheridge.

ANGELICA FIGHTS BACK. At 7:45 p.m., ang pinakahuling post ni "Baby" ay "four minutes ago."

Dahil sa tuloy-tuloy na paghirit niya (@anilmorales) laban kay Angelica ay nagbigay na rin ito ng maaanghang na sagot. Tinawag niya namang "bakla," "bastos," at "nakakahiya" si "Baby."

Bandang huli ay pabirong sinabihan ni Angelica ang kanyang fans na "ipatumba" at "paglaruan" si Baby.

Dahil sa palitan ng tweets na ito ay nagpa-interview na si Angelica sa news program ng ABS-CBN na TV Patrol at mamaya sa SNN.

Pinag-iisipan na raw ng aktres kung sasampahan niya ng kaso ang fan na kasagutan niya sa Twitter.

Samantala, kinontak na rin ng PEP si "Baby" sa pamamagitan ng pag-post din sa account niya subalit wala pa itong reply.

Bukas ang PEP sa paglalathala ng panig ng mga personalidad na napapaloob sa artikulong ito.

From Darla Sauler:
FIRST HERE! EXCLUSIVE : Derek Ramsay, bumuwelta sa pang-aaway ng isang diumano'y Phil Younghusband fan kay Angelica Panganiban!

2 comments:

Anonymous,  March 6, 2011 at 9:26 PM  

Yan ang napapala ng mga taong mahilig pumapel at gumawa ng ingay para mapagusapan, nalalagay sa away. Dapat ay nagresearch muna itong si Angelica bago say nagmagaling sa twitter na alam naman nyang mababasa ng lahat ng tao. Lumalabas tuloy na parang meron syang personal na galit kay Phil at sa mga Azkals. Phil is just simply helping to promote football in his cameo appearance in the Indie movie. Kung matatandaan ng mga taong masugid talagang sumusubaybay sa football ay even David Beckham, Zinedine Zidane , Alan Shearer and Sven-Goran Eriksson had their cameo appearances in the movie "Goal" to promote the beautiful game. (this is regarding the question of Angelica whether Rooney is doing acting). A cameo role is just a small scene or minor role in a Movie to engrave something in a movie, in this case Phil's appearance is to make viewers embrace football more considering that is just starting to be in the consciousness of most Filipinos. Kung ayaw makita ni Angelica si Phil sa TV gabi-gabi ay dapat sisihin nya ang mother studio nya na walang tigil sa kakaambush interview sa kawawang athlete. Phil is just being courteous in answering the questions the he is being asked dahil hindi sya bastos na tao na nang-isnub. It is not like Phil is running after these reporters for interview. Sya ang nilalapitan every after training, so Angelica has no right to say that Phil is "nagpapakashowbiz" or is implying that he is trying hard to be in showbiz. Why did Angelica even say na "ang lalaki na ng mga ulo ng mga Azkals!". Inaano ba sya ng mga players? Anong proof nya na lumalaki na ang ulo ng mga Azkals. May incident na ba na nangbalahura ang mga players ng ibang tao. Kung magpapahayag ka naman ng saloobin mo eh maging objective ka naman kahit papano otherwise magmumukha kang umeepal lang.

Anonymous,  March 7, 2011 at 8:59 AM  

Nakakahiya ang ginawa ni Angelica. Supalpal siya ngayon. Hindi kasi nag-iisip muna.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...